Thursday, March 18, 2010

pag-ibig nga naman oh..

Pag-ibig

Oh kay sarap nga naman mag mahal. Madaming lalake at babae na sa murang edad pa lamang ay gusto nang maranasan ang pag-ibig. Pero handa na nga ba sila talaga mag mahal at masaktan?

Ang mag mahal ay hindi biro, o laru-laro lamang. Ang pag mamahal ay ginagamitan ng puso, at pag-iisip. Hindi naman din puwede na mag mahal tayo ng tao na kung sinu-sino lamang. Madami na din ang nag baka sakali sa pag-ibig at nasaktan din lamang. Mabigat ang mga salita na “mahal kita”, minsay ginagamit ito ng ibang tao upang masabi lamang nila na mahal nila ang tao, pero pagmamahal nga ba talaga ang nararamdaman nila? Kapag sinabi mo na mahal mo ang isang tao, kailangan mo gampanan nag sinabi mo sa kanila, dahil hindi lang ang tao ang niloloko mo at sinasaktan pag hindi naman totoo ang nararamdaman mo sa kanila, dahil pati na rin ang sarili mo ang niloloko mo. May mga kilala na din ako na tao na sa murang edad pa lamang ay sinubok na ang pagsasama, ang pakikipag talik, ang pagpapakasal, na hindi naman din nag tagal ay nasira lamang ang kanilang relasyon. Ang pag pasok sa isang relasyon ay hindi basta-basta ginagawa. Kailangan talagang isipin ng masinsinan kung talagang desidido na sa desisyon. Meron nga diyan ibang relasyon na umabot na ng ilang taon, tapos kapag na buntis ang babae ay iniiwan na lang, pag may nakita nang ibang babae. Pagmamahal ba ang tawag doon?

Ang pag-ibig nga naman, nakakatuwa, nakaka-aliw, at nakakasakit ng damdamin. Pero, sabi nga ng mga nakakatanda, na hindi mo talaga masasabi na nag mahal ka lubusan kung hindi ka nasaktan sa proseso at sa relasyon, kasi masasabi mo lamang na nag mahala ka talaga kapag nasaktan ka na. Wala naman din perpekto sa mga relasyon na pinapasukan ng bawat tao, may mga masasaya at malulungkot din na karanasan iyon. Wala naman din gusto’ng masaktan kapag nag mahal, kaya nga tayo nag mahal eh, upang maransan natin ang pagka-kailangan ng ating katuwang. Minsan naman ang ating kabiyak ay ating nakakalimutan na andiyan lamang upang damayan tayo sa mga pasubok ng buhay.

Ang pagmamahal ay isang emosyon na hindi puwede lamang pag laruan.

No comments:

Post a Comment