Madaming nag sasabi na ang suwerte daw ng mga bata’ng nag iisa lamang sa pamilya, iyong tipong, walang ate at kuya. Siguro nga masayang isipin kung nag iisang anak ka lamang sa pamilya. Lahat ng luho at gusto mo, puwedeng puwede mo’ng abutin. Subalit, ganon man kadali ang maging isang anak sa pamilya. Madami din siyang mga komplikasyon na hindi naiintindihan ng nakakarami. Minsan may kalungkutan din ang maging mag isa sa buhay.
May mga pagkakataon na ang dami dami mo’ng problema, iniisip, ginagawa, tapos wala ka man lang makausap ng masinsinan tungkol sa mga nararamdaman mo. Base sa aking kaalaman at karanasan, bilang nag iisang anak sa aming pamilya, masaya siya kung iisipin, ngunit hindi naman talaga, lalo’t pag nag tagal na. Oo, puwede mo’ng hilingin kahit ano man mula bagay, gamit, pagkain, laruan, damit, mga pinakamamahalin na bagong teknolohiya, at kahit mag aral sa pinakamamahaling paaralan sa bansa. Pero minsan ang mga kapalit nito ay hindi kanais nais. Sa pagiging isang anak sa pamilya, dumarating ang tensyon at paghihirap na makatapos sa pag aaral, makakuha ng mabuting kurso, at magandang trabaho pag ka graduwado.
Walang perpektong buhay sa tao, kahit pa man nabigay na sayo lahat ng suwerte sa buhay, may mga kapalit pa rin iyon na hindi talaga kanais-nais. Ang pagiging isang anak ay hindi biyaya, ito ay isang pagsubok sa tao kung kaya niya ba’ng mabuhay ng walang kasama sa buhay. Kung iisipin niyo talaga ng mabuti, at matanong ninyo sa inyong sarili, paano na lamang ang aking mga magulang pag wala na ako? Paano na lang ako pag wala na mga magulang ko? Paano na lang ang buhay ko kung walang tutulong sa akin tumaguyod sa aking buhay? Madami din iniisip ang mga unico hijo o unico hija. Madami gusto’ng maging unico hijo o hija ng kanilang magulang, upang makuha lahat ng kagustuhan nila.
Hindi lamang nila alam na malungkot at mahirap maging isang anak sa pamilya. Tulad nga nang nasabi ko, tulad ko, isang anak sa aming pamilya, madami na ako napagdaan na pagsubok na hindi ko talaga makakalimutan, at madami pa’ng mga pagsubok na kailangan gampanan bilang nag iisang anak. Mapipili niyo pa ba ang maging isang anak pag masubukan ninyo ang buhay ng maging isang anak? Madami na din ako nakilala na mga tao na walang kapatid, na nahihirapan sa buhay nila, dahil wala silang matatakbuhan na kapatid, at ang mga kamaganak na ayaw naman din tumulong sa kanila. Masaya man maging nag iisang anak, ngunit meron din siyang kalungkutan na dapat malagpasan.
No comments:
Post a Comment